Naiinis ako sa sa gobyerno! Simpleng ulan lang, ang kapalit baha at traffic?! Kailangan lagi nalang ganito kapag uulan? Hindi naman ako apektado kasi naka dorm ako. Pero paano yung mga nagcocommute na mas nakararami? Lalo na yung mga estudyante, yung mga 1st year na tagaprobinsya. Nakakaawa, maiistranded ka, malamig, tapos gutom ka pa. Uuwi ng parang basang sisiw.
Tapos syempre yung mga architecture students. Ang dami kaya naming bitbit. T-square, plates, tapos minsan may drafting board pang dala. Hassle kaya. Imagine mo kung makikipagsapalaran pa sila sa pauwi dala yung mga gait na yun. Nakakastress hindi ba? Tapos gaano katagal ang byahe? Makakuwi ka madaling araw na. Tapos gagawa ka pa ng plates, magaaral para sa exam, at gagawa ng homeworks? Tapos babyahe ka ulit para pumasok? Nakakaistress hindi ba?
Sana talaga magawan ng aksyon yang bahang yan. Perwisyo hindi lang sa mga estudyante, kung hindi sa lahat.